Kauna-unahang paglalayag sa himpapawid
March 15, 2010
Ninoy Aquino International Airport, Philippines
Manila Time 5:00am
Ilang araw bago ang aking paglisan sa aking bayan, anu-ano na nga ba ang aking mga ginawa nung ako ay nasa Pilipinas pa? hmmm....dalawa sa mga mahahalagang araw bago ako umalis ng Pinas, una ang araw ng sabado kung saan ako ay personal na nagpaalam sa aking mga kamag-anakan. Dumating ang mga kamag-anak ko mula Bulacan, Catmon at San Andres...sana may representative man lang mula sa Paco..hehe! ganunpaman ako ay patuloy na nagpapasalamat at nagagalak na sa mumunting pagkakataon ay nakapiling ko ang ilan sa mga mahahalagang tao sa buhay ko. (sayang wala ang mga kapatid ko sa church at piling mga kaibigan)... :(
Ang huling araw ko sa Pinas ay ang araw ng linggo, kung saan naging napaka-memorable para sa akin. 2nd service na ako naka-attend sa church at talagang wala ako sa sarili ko nung mga panahon na iyon. May mga ilang yumakap sa akin pero para bang wala lang. Hanggang sa pumunta ako sa office namin sa emacs at dito na ako dinatnan ng gabi at nilagare ko ang buong maghapon upang asikasuhin ang mga ilang dapat asikasuhin. natapos ang aking araw sa pag-aassist sa aming mga clients sa emacs. Salamat sa Diyos binigyan Niya ako ng kapayapaan sa aking paglisan sa aking bayan. Salamat din sa aking spiritual mother na nariyan parati upang ako ay paalalahanan. Bago ako umalis ng emacs talagang di ako nakaramdam ng pagod pero sa isip ko paano kaya ako aalis gayong may isa pang client na inaassist si Boss Stephen?
Dumating si bunso sa opisina para ako ay samahang bumili ng ilang pasalubong sa SM para madala ko sa bansang aking pupuntahan. Naghintay sya ng mahigit isa hanggang dalawang oras dahil kinailangan ko pang antayin ang isa pang cliente at salamat sa Diyos closed deal din. Kami ay papaalis na ng emacs at tanging isang tao lamang ang aking napaalamanan...ito ang minamahal kong kapatid na si Jenny na kung tawagin ko'y "mima" pag trip ko minsan "basha"!
Niyakap ko sya ng mahigpit at pinilit kong umalis na agad ng di na ako magtagal pa dahil siguradong babagsak na ang aking mga luha. Pinigil kong maluha dahil naalala kong sinabi ni Mima sa akin na ayaw niya ng madrama. Bukod sa kanya ay wala ng nakapansin sa aking pag-alis.
Tumungo kami sa SM San Lazaro. Una naming hinanap ang "kultura filipino" subalit wala silang store doon. Ang sabi sa information desk sa SM Manila daw ay mayroon. Ang sabi ni bunso "sige puntahan natin ate malapit lang naman yan dito". Agad naman kaming umalis patungong SM Manila at doon nga'y nakabili kami.
Pauwi na at saka ko lamang naramdaman ang sobrang pagod. Hapong-hapo man ako subalit pinilit kong sagarin ang lakas na natitira pa sa aking katawan upang ayusin ang aking mga gamit at ihanda ang aking mga bagahe.
Dakong ala-una ay kasalukuyan pa akong naglilinis ng kuko sa paa para malinis naman kahit konti. Bandang alas-dos na nang ilatag ko ang aking likod sa higaan...haaay! sarap! subalit di ako dalawin ng antok bagaman ang aking mga mata'y nakapikit na. Iniwan kong nakasaksak parehas ang aking Ipod at cellphone subalit bandang 2:30am may tumatawag sa akin at ang iba'y mensahe naman....sa sobrang kapaguran at pag nanais na makatulog at aking binalewala ito at nagpatuloy sa concentration ng pagtulog subalit ako ay bigo pa rin.
Dakong 3:30 ng umaga mula sa ilang ulit na pagpihit sa higaan, sa wakas ako ay dapat gumising na. Gising ng isang taong nakahiga ngunit hindi naman natulog! Agad akong bumalikwas at aking napansin tila baga walang nais na bumangon upang ako'y gisingin at asikasuhin! Ang aking paligid ay tahimik na tahimik at pakiramdam ko ako lang ang gising.
Ako ay bumangon na at pumunta sa bathroom. Sumunod na nagising ang aking ama. Ilang minuto ang nakalipas tumawag na sa akin ang aking kapatid at sila ay papunta na sa amin upang ako sa ihatid sa airport. Pagkalipas ng ilang minuto ng paghahanda ako ay handa na sa pag-alis. Umalis ako sa aming tahanan dakong alas-kuwatro ng umaga ng Marso 15, 2010.
Sakto alas-singko ng kami ay dumating sa airport. Agad kong kinuha ang aking mga bagahe at pinilit kong makapasok agad upang di na magtagal sa labas...bakit? dahil hindi ko na kaya pang sila'y tignan at ako ay siguradong hahagulgol sa iyak. Ang totoo, mas pinili kong makita sila sa masayang mukha o bagaman malungkot ay walang bahid ng luha. Sapagkat kapag aking nabanaag ang mga luhang iyan na aagos sa kanilang pisngi baka di ko mapigilan ang aking sarili.
Dakong 5:10am ng ako'y tuluyang nakapasok sa airport at dito tuloy tuloy na ang aking pag-alis. dakong ala-sais nang ako'y matapos sa check-in baggage at nag boarding pass na ako. dito ako ay nagbayad ng mahigit P750 para sa terminal fee at tumuloy ako sa immigration kung saan ako ay pinapilang muli sa isang kadahilanan: wala akong departure card. bandang 7:00am ako ay nakapasok na at aantayin na lamang ang pagpasok namin sa eroplano. Sa labas ng immigration ay doon nag-aantay ang isang kaibigan si Kuya Dan. Isa siyang pulis sa airport at napakabait na tao. Bayaw siya ng kaibigan kong si Crony. Akalain mo bang ako'y kanya pang pinag-almusal? Kumakalam na talaga ang sikmura ko noon at talagang gutom na ako. Salamat sa Diyos at hinipo Niya ang taong ito para ako'y pakainin.
Ilang minuto na lang at kami ay papasok na sa eroplano. Saktong alas-otso kinse ng kami ay papasukin sa loob. Ilang minuto ang nakalipas, ang piloto ng eroplanong aking sasakyan ay nag anunsiyo. "in a few minutes we are about to take-off. please faster your seat belt"! oh di ba parang flight attendant lang? hehe. todo text na ako dahil pinapapatay na ang aming mga gadgets. huli kong namataang nagtext sa akin ay si Mama Cor...nakakalungkot man di ko na nagawa siyang replayan dahil aalis na ang eroplano tanging natext ko na lang sa huli ay ang diko ko at ang sabi ko sa text " i love you all, pinapapatay na ang celfon...huhuhu"
Dakong 8:45am ng simulang paandarin ang eroplano at saktong 8:5oam ng kami ay mag take off. Sinumulan kong tignan ang airport at ang sabi ko sa sarili "ito ang huling umaga ko sa Pinas bago ako tumungo sa Estados Unidos. Bale babalik akong muli!" Mula sa kaitaas-taasan ng aming pag take off nasilayan ko ang kagandahan ng creation ng Lord. Sa kauna-unahang pagkakataon nakita ko ito mula sa tuktok at nasilayan ko ang ganda ng view ng Pilipinas mula sa itaas. Ang sabi ng flight attendant "we are now on 10,000 feet " all the way down from Manila. All clear sky." char!
Ito ang huling sulyap ko sa Pilipinas....next stop ko Narita, Japan naman! Tara!
Kauna-unahang paglalayag sa himpapawid
March 15, 2010
Narita Airport, Japan
Time: 2:00pm
.jpg)
Thursday, March 18, 2010 | at 11:49 AM |
Dakong alas-dos ng tanghali, oras sa Japan ng kami ay dumating sa Narita Airport. Ako ay lubhang namangha sa aking nasilayan. Malinis bagamat maliit at kakaunti lamang ang aking nakita. Di ako naiiba sa kanila sapagkat parehas kami ng features ng mukha...haha!
Ang sabi ko nga, "ay andito ang mga kalahi ko" haha! napatawa ako sa aking isipan!
Sandali lang ang itinigil namin sa bansang ito. Kung noong una mula sa NAIA mga pinoy ang katabi ko, dito naman mula sa Narita, mga kapatid ko...este mga japanese ang aking katabi...hmmm sila'y mga bata pa at mukhang sana'y na sana'y na sa pagta-travel sa malalayong lugar.
Dakong 2:15pm ng kami ay makapasok sa eroplano at dito magsisimula ang "break a leg" ko! Ang sabi nila sa yugtong ito ay siguradong sasakit ang lahat lahat sayo...haha! saktong 2:45 nang kami ay mag take off...paalam Japan!
March 15, 2010
JFK New York Airport, NY
Time: 3:30pm
Thursday, March 18, 2010 | |
Arrival in JFK New York Airport
Landing: 3:20PM
Kauna-unahang paglalayag sa himpapawid
March 15, 2010
Miami International Airport. FL
Time: 9:45pm
Thursday, March 18, 2010 | |
Arrival time in Miami International Airport
Landing: 9:20pm
Next stop JFK New York Airport...
Kauna-unahang paglalayag sa himpapawidMarch 15, 2010
JFK New York Airport, NY
Time: 3:30pm
Thursday, March 18, 2010 | |
Arrival in JFK New York Airport
Landing: 3:20PM
Boarding: 4:25PM (supposed to be but sadly I missed my flight)
New Assigned Boarding Pass: 6:30PMSa hinaba-haba ng aking paglalakbay ay talaga namang hinding-hindi mo matatawaran ang lupet at ka-astigan ng biyahe ko mula Narita, Japan to JFK New York. Totoo nga ang sabi nila, it was "backbreaking"!
Di ko na namamalayan ang oras dahil sa sobrang antok at kapaguran. Mga ilang oras pa ang nakalipas at mahaba-haba pa ang aking iintayin marating lamang ang New York Airport.
Kung anu-ano na ang aking dinaranas sa napakahabang biyaheng ito. Andiyan ang sumasakit ang likod both upper at lower, sakit sa binti at batok...gayunpaman ok lang ang mga yan! kayang tiisin pero may isang bagay ang pinilit kong tiisin...ang sakit sa baba? hmmm wag malisyoso! ibig kong sabihin ay ang sakit sa toilet! Ang biyahe ay napakatagal at wala kang ginawa kundi kumain ng kumain at uminom ng uminom...sa tingin mo di ka susumpungin sa baba? hahaha
Seryoso, tiniis kong di gumamit ng toilet para lang poomupooo! kahit sobrang sakit na dahil sa kakapigil ng pag-fart! abay! siempre naman baka umamoy noh! pero kulog at kidlat ata ang dinanas ng tummy ko dun ha...lantakin mo mahigit 1 araw at kalahati kang ganun ni walang poopooo! hahaha! kadiri noh? pero totoo dun ako super nahirapan...ung sakit sa katawan kaya yan saka ung walang tulog na maayos pero pag usapang banyo ay talagang iba yan!
Bandang alas 9:00pm (sa oras ng Manila) kasalukuyan kaming nagbi-breakfast. lantakin mo un sa kanila BF pa lang? Dakong 3:00am (oras sa maynila) Dinner? hahaha
Ang masasabi ko lang sa trip kong ito...ayaw ko munang sundan ang ganitong klase ng trip! BADTRIP! hahah. Kaka-praning naman talaga...imagine mo un? sumasakit na ang tummy mo dahil di ka makagamit ng toilet, pigil sa pag-fart, kulog ng kulog pa ang tiyan mo at ang lamig lamig sobra sa loob ng eroplano at pinaigting pa ito ng lamig mula sa labas dahil sa mga snowflakes kong nakita. Sobrang sakit ng katawan ko parang gusto ko nang humiga sa walkway...hahaha o di ba bonggang bongga?
Last trip to Miami Florida Airport (MIA)...
Kauna-unahang paglalayag sa himpapawid
March 15, 2010
Miami International Airport. FL
Time: 9:45pm
Thursday, March 18, 2010 | |
Arrival time in Miami International Airport
Landing: 9:20pm
Haaay! sa wakas, salamat sa Diyos at nakalapag na din sa Miami ang aming eroplanong sinasakyan! waaah this is really is it? nasa miami na po ako!
Hay! nakahinga ako ng maluwat ng kami ay matagumpay na nakapag-landing sa airport ng Miami. Dito ko pa lang nadama ung excitement...ilang minuto na lang at makikita ko na din sa wakas si Joseph at ang family nya.
Dali-dali akong lumabas ng eroplano parang animoy sabik na sabik sa pag-uwi ng Pinas. Sinundan ko ang signs doon na may translation din sa Spanish. Binagtas ko ang signs kung saan nandun ang aking mga bagahe...aking ikinagulat andun na pala nag-aantay ang aking minamahal na si Joseph! Ako pa ang na-shock dahil di ko inaasahang andun na siya at naghihintay sa aking paglabas! Ang akala ko kase tatawagan ko pa siya para sunduin ako ayun pala andun na sya talaga nag aantay! Mga 20 mins away lang kase ang bahay nila sa airport kaya mabilis lang sya nakarating.
Ang nakakaloka pa nito, si Honeybee, dinagdagan pa ang pagod ko...hmmm, paano? Pinaglakad at pinabalik balik lang naman nya ako sa baba dahil di niya makita kung saan ung bagahe ko? yun pala nasa kabilang side! Nasambit ko tuloy sa kanya "Hey, this is your airport not mine" pano ba naman hiluhin daw ba sa paghahanap ng luggage counter? hahaha pero ok lang finally nakita din naman namin...
Heto pa ang isang kakaloka! Sa aming paglabas sa airport, nakalimutan nya kung saan niya na park ung kanyang sasakyan kaya another lakad na naman...akalain mo nasa taas kami un pala nasa baba ung car nya? hayy talaga nga naman!'
Next stop...Gutierrez's Residence...
March 15, 2010 around 10:00PM
Wow! Hindi ko lubos maisip ang tagal at layo ng aking binagtas makarating lamang sa Estados Unidos! Salamat sa Lord at ako ay Kanyang ginabayan sa buong paglalayag kong ito. Kami ay kasalukuyang patungo na sa tirahan nila Honeybee at talagang hindi pa ako makapaniwala na naririto na ako. Ang nasambit ko pagkasakay ko sa kotse nya ay " wow, my very first time to ride in your car". Dati-rati ito ay panaginip lamang na isang araw makakasama ko sya sa kanyang sasakyan.
Mga ilang minuto ang nakalipas sa wakas andito na ako sa bahay ng honeybee ko...pagkalabas ko ng sasakyan nakaramdam ako ng ginaw akala ko'y dala lamang ng pagkalamig ko mula sa New York subalit talagang malamig pala talaga sa kanila. 58 Fahrenheit, pero sabi nga ni Ging mainit pa daw yun kumpara sa kanila sa Maryland mas malamig. Ito na ang pinaka highlight, pagkalabas na pagkalabas ko sa kotse abay alam nyo ba nasa labas na agad sina Mama Thelma at Daddy Elio at kasalukuyang naghihintay sa aking pagdating na bakas ang pananabik at nang ako ay makita na sabay yakap sa akin. Hmmm ang sarap ng feeling at sa higpit ng yakap ni Mama Thelma sa akin para bang kayakap ko ang nanay ko. Dun ko sobrang naramdaman ung init ng pagtanggap nila sa akin. Pagkapasok ko sa loob, ako ay dumiretso sa kuwarto at pagkalapag ng aking mga bagahe sabay pasok sa kuwarto nang nakababatang kapatid ni Joseph, siya si Christian na kung tawagin ko ay "bunzo"! Hmmm mejo di sya kalakihan pero matipuno, makisig at bonggalicious, ka-guapo ng loko! hahaha!
Mga ilang minuto ang nakalipas sa wakas andito na ako sa bahay ng honeybee ko...pagkalabas ko ng sasakyan nakaramdam ako ng ginaw akala ko'y dala lamang ng pagkalamig ko mula sa New York subalit talagang malamig pala talaga sa kanila. 58 Fahrenheit, pero sabi nga ni Ging mainit pa daw yun kumpara sa kanila sa Maryland mas malamig. Ito na ang pinaka highlight, pagkalabas na pagkalabas ko sa kotse abay alam nyo ba nasa labas na agad sina Mama Thelma at Daddy Elio at kasalukuyang naghihintay sa aking pagdating na bakas ang pananabik at nang ako ay makita na sabay yakap sa akin. Hmmm ang sarap ng feeling at sa higpit ng yakap ni Mama Thelma sa akin para bang kayakap ko ang nanay ko. Dun ko sobrang naramdaman ung init ng pagtanggap nila sa akin. Pagkapasok ko sa loob, ako ay dumiretso sa kuwarto at pagkalapag ng aking mga bagahe sabay pasok sa kuwarto nang nakababatang kapatid ni Joseph, siya si Christian na kung tawagin ko ay "bunzo"! Hmmm mejo di sya kalakihan pero matipuno, makisig at bonggalicious, ka-guapo ng loko! hahaha!
Ilang minuto ang nakaraan at ako'y kanilang binalikan upang ayaing kumain. Ang sabi ni Honeybee, ipinagluto nila ako ng spaghetti at talaga namang sobra akong na-touched. At kami'y sabay na kumain at maya-maya'y nakaramdam na ako ng pagod kaya pagkatapos maligo salamat sa Diyos ako'y nakatulog na din ng maayos.
zzzzz....hmmm bukas ulet ibang kwento naman!
.jpg)